Heavy rainfall warning nakataas sa 3 lalawigan sa Luzon

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 17, 2018 - 05:47 AM

Nakataas ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan ng Batangas, Bataan at Zambales.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 5:00 ng umaga, yellow rainfall warning ang umiiral sa tatlong lalawigan.

Ayon sa PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha ang mga residenteng nasa mababang lugar.

Samantala, light hanggang moderate na pag-ulan naman ang nararanasan sa buong Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Pampanga at Quezon na tatagal sa susunod na 1 hanggang 2 oras.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

 

TAGS: heavy rainfall warning, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, heavy rainfall warning, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.