Bagyong Henry nakatatlong landfall na; signal #1 nakataas pa rin sa limang lugar
Tatlong beses nang tumama sa kalupaan ang tropical depression Henry sa iba’t ibang isla sa Cagayan.
Unang tumama ang bagyo sa Camiguin Island, sinundan ng pagtama nito sa Fuga Island at ang ikatlo ay sa Dalupiri Island.
Huling namataan ang bagyong Henry sa 95 kilometers West ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Nananatiling nakataas ang public storm warning signal number 1 sa Batanes, northern portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, northern portion ng Apayao at northern portion ng Ilocos Norte.
Ayon sa PAGASA ang Southwest Monsoon o Habagat ay maghahatid pa rin ng mga pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at Western Visayas.
Pinapayuhan ang mga residente sa nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.
Inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.