Matapos na tumama sa kalupaan ang Bagyong Henry sa Camiguin Island ay muling nag-landfall ito sa pang isla, sa pagkakataong ito ay sa Fuga Island naman,
Ayon sa 2 a.m. weather bulletin ng PAGASA ay napanatili ng Bagong Henry ang lakas nito at tinatahak na direksiyon.
Huling namataan bandang ala una ng madaling araw ang naturang bagyo sa bisinidad ng Fuga Island na may dalang hanging aabot sa 60 kph, pagbusong aabot sa 75 kph at kumikols pakanluran sa bilis na 25 kph.
Nanatiling nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal 1 sa lalawigan ng Batanes at mga hilagang bahagi ng Apayao, Ilocos Norte at Cagayan kung saan kabilang na ang Babuyan Islands.
Mananatili pa ring makakaapekto ang southwest monsoon o hanging habagat Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro provinces, Palawan, at Western Visayas na maaring magdala ng mahina na kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Habang kalat-kalat na pag-uulan at thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa.
Inabisuhan naman ang mga nakatira sa mga mabababang lugar at bulubundukin sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Nagbigay din ng babala sa pamamalaot ng mga mangingisda at maliit na sasakyang pandagat sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal Number 1 at maging sa seaboard ng western Luzon.