Nagbebenta ng baril, patay sa engkwentro sa Quezon City

By Justinne Punsalang July 17, 2018 - 04:41 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos manlaban sa mga otoridad sa Barangay Payatas, Quezon City.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na Black, habang wala namang pagkakakilanlan pa ang kanyang nakatakas na kasamahan.

Ayon sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa pagbebenta ng mga iligal na baril ni alyas Black.

Kaya naman nagkasa sila ng buy bust operation laban dito.

Ngunit sa pagpapanggap ng isang operatiba bilang poseur buyer ay nakatunog si alyas Black at kanyang kasama na pulis ang katransaksyon, dahilan upang agad paputukan ang mga otoridad.

Dito na nagkaputukan at nauwi sa engkwentro ang operasyon.

Narekober mula kay alyas Black ang dalawang kalibre 38 revolver at buy bust money.

Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan si alyas Black, habang nakatakas naman ang kanyang kasama gamit ang isang motorsiklo.

TAGS: Payatas, quezon city, Payatas, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.