Nasunog ang isang 10-wheeler truck sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa may boundary ng Meycauayan at Marilao sa Bulacan.
Batay sa report mula sa NLEX Traffic Room, inireport ang tungkol sa pagliliyab alas-10:28 ng gabi ng Lunes.
Bandang alas-11:20 namang nang ideklarang under control ang nasabing sunog.
Ayon kay SFO1 Laurice Tecson, hindi agad maideklara na fireout ang pagliliyab ng truck dahil sa posibilidad na muling sumiklab ang sunog.
Aniya, posibleng problema sa wiring ang sanhi ng sunog.
Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad, karga ng nasabig truck ang mga gulong, karton, at plastic na dadalhin sa Baguio City.
Kwento naman ng driver ng truck na si Ricky Sioco, habang binabagtas nila ang NLEX ay napansin nila na mayroong usok ang kanilang truck. Kaya naman agad nilang itinabi ang truck at binuksan ang likod nito, kung saan nakita ang pagliliyab.
Maswerteng walang nasugatan dahil sa nasabing sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.