Anak ni ex-senator Jaworski, pinakakasuhan ng attempted murder

 

crime-scene-e1400865926320
crime-scene-e1400865926320

Isinulong ng Makati City Prosecutors Office ang pagsasampa ng kasong attempted murder laban sa anak ni PBA legend at dating senador Robert Jaworski.

Ito’y matapos kakitaan ng probable cause ng piskalya ang reklamo laban kay Ryan Joseph Jaworski na inaresto sa bigong entrapment operation ng pulisya noong September 19.

Ayon kay Sr. Assitant City Prosecutor Gaudencio Tolledo Jr., apat na kasong attempted murder at illegal possession of firearms ang kinakaharap ng nakababatang Jaworski.

Matatandaang tinangkang arestuhin ng mga otoridad si Ryan Joseph at ang mga kasamahan nitong sina Joselito Au at Ferdinand Parago sa isang operasyon dahil sa pagkakasangkot ng grupo sa iligal na pagbebenta ng baril.

Gayunman, nang aarestuhin, sa kanto ng Chino Roces at Arnaiz Ave., ang grupo, nakipagpalitan umano ng putok si Jaworski kaya’t nabaril ito ng mga pulis .

Natunton lamang ang kinaroroonan ng nakababatang Jaworski nang magpagamot ito sa isang ospital dahil sa tama ng bala sa hita.

Read more...