2 arestado dahil sa pagnanakaw ng mga produktong petrolyo sa gasolinahan sa Maynila

By Justinne Punsalang July 17, 2018 - 03:59 AM

Mismong mga empleyado ng isang gasolinahan sa kahabaan ng Taft Avenue na sakop ng Malate, Maynila ang inaresto ng mga otoridad matapos nilang magnakaw ng mga produktong petrolyo sa pinagtatrabahuhan.

Nakilala ang mga suspek na sina Eliza Basila, 39 na taong gulang at station manager ng Kuting Shell Gas Station; at Rofer Fernandez, 27 taong gulang na administrative staff naman ng kumpanya.

Ayon sa may-ari ng gasolinahan na si Peter Lowell Tan, nagsagawa siya ng auditing nang mapansin na nawawala ang mahigit P978,000 ng mga produktong petrolyo.

Napag-alaman pa ni Tan na dinadaya ni Basilan, kasabwat si Fernandez, ang mga dokumento upang palabasin na hindi nawawala ang mga produkto.

Mahaharap ang dalawang mga suspek sa kasong qualified theft at falsification of documents.

TAGS: manila, Taft Avenue, manila, Taft Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.