Presyo ng mga produktong petrolyo magkakaroon ng dagdag-bawas ngayong araw

By Justinne Punsalang July 17, 2018 - 03:52 AM

Epektibo na ngayong araw ang dagdag-bawas sa halaga ng mga produktong petrolyo.

Ipapatupad mamayang alas-6 ng umaga ang kakarampot na rollback para sa halaga ng diesel na 15 sentimo bawat litro.

Madaragdagan naman ng 30 sentimo kada litro ang presyo ng mga gasolina. Habang mananatili ang kasalukuyang presyo ng kerosene.

Kabilang sa mga kumpanyang nag-anunsyo ng pagpapatupad ng dagdag-bawas ang Caltex, Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, at Shell.

Paliwanag ng Department of Energy (DOE) ang panibagong adjustment sa presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw ng halaga ng kurdo sa pandaigdigang merkado.

Partikular para sa gasolina, sinabi ng DOE na tumaas ang presyo nito dahil tumaas rin ang halaga ng ethanol na isang sangkap ng gasolina.

TAGS: oil, price hike, rollback, oil, price hike, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.