Croatia, may heroes’ welcome sa kanilang World Cup team

By Rod Lagusad July 17, 2018 - 03:00 AM

Courtesy of AP

Sasalubungin ng heroes’ welcome ang national team ng Croatia kahit na natalo ito laban sa France sa World Cup sa Russia.

Inaasahang dadalo ang nasa libu-libong mga fans sa nasabing selebrasyon sa central square sa Zagreb ang kabisera ng Croatia.

Kaugnay nito ay marami nang nauna sa lugar ilang oras bago ang nakatakdang seremonya.

Dahil dito, ibinaba sa kalahating presyo ng state railway ng Croatia ang halaga ng kanilang ticket para makapunta ang mga fans sa Zagreb.

Dagdag pa dito, ayon sa otoridad ay libre ang pampublikong transportasyon sa kapitolyo.

Hinimok rin ng state TV ng Croatia ang kanilang mga mamamayan na makiisa sa kasiyahan.

Matatandaang natalo ang koponan ng Croatia laban sa France sa score na 4-2 sa finals ng World Cup.

Ito ang kauna-unahang World Cup finals ng Croatia na meron lang aabot sa apat na milyong populasyon.

TAGS: Croatia, World Cup, Croatia, World Cup

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.