Pacquiao, nakauwi na mula sa kanyang panalo laban kay Matthysse

Courtesy of AFP

Nakauwi na si Manny Pacquiao sa Gen. Santos City matapos nitong manalo sa laban kontra kay Lucas Matthysse ng Argentina via TKO sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Dahil sa panalo, si Pacquiao na ang bagong WBA welterweight champion.

Ito na rin ang ika-60 na panalo ni Pacquiao at ika-12 title sa pangkalahatan.

Ang naging laban ni Pacquiao ay ang una niyang knockout mula ng kanyang matalo si Miguel Cotto noong 2009.

Naipakita ni Pacquiao ang lakas ng kanyang suntok at bilis sa naging laban nila ni Matthysse matapos ma-knockdown ito ng tatlong beses.

Si Pacquiao ang nag-iisang eight-division champion.

Read more...