Mabigat na pag-ulan, mararanasan sa Metro Manila at kalapit na lalawigan
Asahan na ang mahina hanggang sa katamtaman na paminsan ay mabigat na pag-ulan sa katimugang bahagi ng Metro Manila, partikular ang mga lungsod ng Makati, Pasay, Las Piñas, Taguig, at Parañaque.
Sa 2am heavy rainfall advisory ng PAGASA, nakasaad na mararanasan ang kaparehong pag-uulan sa mga lalawigan ng Zambales, Batangas, Cavite, at Quezon.
Ito ay posibleng tumagal sa loob ng isa hanggang dalawang oras at maaapektuhan ang mga kalapit na lugar.
Samantala, nakataas ngayon ang yellow rainfall warning sa buong lalawigan ng Bataan, kung saan posible ang mga pagbaha sa mga mabababang lugar.
Para naman sa mga probinsya ng Pampanga, Laugna, Rizal, at Bulacan, mararanasana ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na magtatagal sa hanggang sa susunod na tatlong oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.