Bagyong Henry, nag-landfall na sa Cagayan

Courtesy of PAGASA

Tumama na sa kalupaan ang Bagyong Henry sa Camiguin Island na bahagi ng lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa 11 p.m. advisory ng PAGASA, huling namataan ang Bagyong Henry sa layong 60 kilometers Timog Silangan ng Calayan, Cagayan.

May dala ito ng hangin na aabot sa 60 kilometers per hour, may pagbugsong aabot sa 75 kph at kumikilos sa direskyong pakanluran sa bilis na 25 kph.

Nanatiling nakataas ang Signal number. 1 sa lalawigan ng Cagayan, hilagang bahagi ng Apayao, Ilocos Norte at Cayagan kabilang na ang Babuyan Group of Islands.

Patuloy namang nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa mga Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan, and Western Visayas habang kalat-kalat na pag-uulan at mga thunderstorms ang mararanasana sa nalalabing bahagi ng bansa.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang Bagyong Henry ngayong umaga ng Martes habang patuloy pa rin na minomonitor ng PAGASA ang isang Low Pressure Area sa layong 930 kilometers sa Silangan ng Infanta, Quezon bandang alas diyes ng gabi ng Lunes.

Read more...