Gobernador ng Cagayan, inabswelto ng Ombudsman sa kasong illegal logging
Inabswleto ng Office of the Ombudsman si Cagayan Governor Manuel Mamba sa mga kasong may kinalaman sa abuse of authority at illegal logging na inihain laban sa kanya noong nakaaraang taon.
Sa anim na pahinang resolusyon, ay inabswelto ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Mamba sa pag-uutos sa pagpapaputol ng nasa 50 Gmelina, mahogany at iba pang fruit trees sa compound ng kapitolyo ng Tuguegarao City.
Ayon sa Ombudsman ang pagputol sa mga Gmelina at puno ng manga sa loob ng nasabing compund at sports complex ay sakop ng permit habang wala namang ebidensiya na may iba pang species ng mga puno ang pinutol na hindi kasama sa permit.
Dinismiss ng Ombudsman ang reklamo dahil sa “lack of merit.”
Nag-ugat ang naturang kaso nang maghain ng reklamo si Provincial Board Member Christopher Barcena noong June 2017.
Ayon sa reklamo, ipinag-utos ni Mamba ang pagputol sa nasa 50 mga puno na may ibat ibang species na walang kaukulang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.