Bagyong Henry, napanatili ang lakas

Courtesy of PAGASA

Napanatili ng Bagyong Henry ang lakas nito na huling namataan sa layong 105 km Silangan Timog-Silangan ng Calayan, Cagayan.

Aaabot sa 60 kph malapit sa gitna ang dalang hangin nito at pagbugsong aabot naman sa 75 kph at kumikilos sa direksiyong Kanluran sa bilis na 30 kph.

Nanatiling nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) #1 ang lalawigan ng Batanes, hilagang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Group of Islands, mga hilagang bahagi ng Apayao at Ilocos Norte.

Patuloy na makakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at Western Visayas at kalat-kalat na mga pag-uulan at thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.

Inaabisuhan ang mga residenteng nakatira sa mga mabababang lugar at mga bulubundukin na manatiling umantabay sa mga update, makipag-ugnayan sa mga local disaster risk reduction and management offices at umaksyon sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaabisuhan din ang mga mangingisda at mga nagmamay-ari ng mga maliliit na mga sasakyang pandagat na huwag maglayag sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal Number 1 at sa western seaboard ng Luzon.

Habang bandang 7:00 PM ay may namataang :ow Pressure Area (LPA) sa layong 945 km sa Silangan ng Infanta, Quezon.

Read more...