Malakanyang, dumistansya sa balak ng JBC na baguhin ang rules sa nominasyon ng Chief Justice

By Chona Yu July 16, 2018 - 07:13 PM

Dumistansya ang palasyo ng Malakanyang sa balak ng Judicial and Bar Council na baguhin ang patakaran para bigyang daan ang nominasyon ni Acting Chief Justice Antonio Carpio kapalit ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, desisyon na ng JBC ang naturang usapin.

Dagdag ni Roque, hindi pakikialaman ng palasyo ang anumang desisyon na gagawin ng JBC.

Una rito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, Ex Officio Member ng JBC na maari pa ring ikunsidera si Carpio bilang kandidato sa pinakamataas na posisyon kahit na tumanggi na ito.

Sa ilalim ng batas ng JBC, kinakailangan na sumasang-ayon o tinatanggap ng isang nominee ang kanyang nominasyon sa posisyon.

Pero ayon kay Guevarra, may isinumiteng request letter si dating Chief Justice Hilario Davide Jr. na maaring i-dispense ito.

Una rito, sinabi ng JBC na wala pang may nag-a-apply sa pagka Chief Justice na nabakante dahil sa pagkakatanggal ni Sereno sa pamamagitan ng Quo Warranto petition bunsod ng hindi pagdedeklara ng tamang Statement of Assets, Liabilities and Networth.

TAGS: antonio carpio, Chief justice, Judicial and Bar Council, Malakanyang, antonio carpio, Chief justice, Judicial and Bar Council, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.