Malakanyang, nagkibit-balikat lang sa hindi pagdalo ni dating Pangulong Aquino sa 3rd Sona ni Pangulong Duterte
Walang pakialam ang palasyo ng Malakanyang kung hindi dadalo si dating Pangulong Benigno Aquino III sa ikatlong State of the Nation Address ni pangulong Rodrigo Duterte sa July 23 sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, personal na pagpapasya ni Aquino ang hindi pagsipot sa sona.
Iginagalang aniya ng palasyo ang hindi pagdalo ni Aquino.
Matatandaang sa nakalipas na dalawnag SONA, hindi rin sumipot si dating pangulong Aquino.
Samantala, kumpirmado namang dadalo sa SONA na pangulo sina Vice Presdient Leni Robredo, dating pangulong Joseph Estrada, Fidel Ramos at Gloria Macapagal Arroyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.