Malakanyang, may ginagawang aksyon laban sa China sa territorial dispute sa WPS
Pumalag ang palasyo ng Malakanyang sa resulta ng Social Weather Stations na nagsasabing apat sa bawat limang Pilipino ang nakukulangan sa aksyon ng pamahalaan kaugnay sa terroritorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lang nag-iingay ang gobyerno at hindi isinasapubliko ang mga ginagawang protesta ng Pilipinas laban sa China dahil sa maselan ang naturang isyu.
May agarang aksyon aniya ang gobyerno tuwing may ginagawa ang China na labag sa soberenya ng Pilipinas.
Iginiit pa ni Roque na hindi isusuko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang anumang pag-aaring teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.