Apela ni Coun. Roderick Paulate sa kaso kaugnay sa ‘ghost employees’ ibinasura ng Sandiganbayan

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 16, 2018 - 12:49 PM

Ibinasura ng Sandiganbayan ang apelang inihain ni Quezon City Councilor at aktor na si Roderick Paulate sa kasong graft at falsification charges na kinakaharap niya dahil sa umano ay pagkakaroon ng aabot sa 30 ghost employees.

Sa resolusyon ng anti-graft court, ibinasura nito ang urgent omnibus motion to quash ni Paulate na nahaharap sa kasong paglabag sa section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at falsification of public document.

Base sa reklamo, inatasan umano ni Paulate ang kaniyang chief of staff para ihanda ang Personal Data Sheets at mga pekeng job orders para sa 30 contractual employees mula July 1 hanggang November 15, 2010.

Mag-isyu din umano si Paulate ng mga sertipikasyon kung saan nakasaad na ang mga ghost employees ay nagtrabaho ng 40 hours per week at inatasan ang kaniyang driver at liaison officer na si Vicente Esquilon Bajamunde na kulektahin ang pampasawekdong P1.1 million.

Ayon sa Sandiganbayan, walang merito ang apela ni Paulate dahil nabigyan naman ito ng sapat napanahon para idepensa ang sarili sa kaso.

TAGS: Radyo Inquirer, Roderick Paulate, sandiganbayan, Radyo Inquirer, Roderick Paulate, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.