Disqualification case vs. Pacquiao hindi tinanggap ng Comelec

By Den Macaranas October 22, 2015 - 08:23 PM

manny-pacquiao2
Inquirer file photo

Nagsampa ng disqualification case sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ang isang residente ng Makati City laban kay Saranggani Rep. Manny Pacquiao.

Laman ng kanyang petisyon ang umano’y pagiging absenero ng mambabatas sa mga sesyon ng kamara.

Sinabi ni Ferdinand Sevilla na hindi karapat-dapat na maging Senador si Pacquiao dahil tiyak na magiging bakante lamang ang kanyang upuan sa Senado sa sandaling manalo siya sa 2016 elections.

Bitbit ang records mula sa House of Representatives, sinabi ni Sevilla na mula January 20 hanggang December 17 2014, pitong beses lamang dumalo na dumalo ang Pambansang Kamao sa kabuuang 170 session days.

Noong 2013 ay 60 absences ang kanyang naitala mula sa kabuuang 168 na araw ng sesyon.

Ayon kay Sevilla, tiyak na mauulit ang ganitong Gawain dahil hindi pa naman nagreretiro si Pacman sa kanyang pagiging boksingero.

Pero dahil sa kabiguang magbayad ng P10,100 na filing fee, hindi tinanggap ng Office of the Clerk of the Commission ang mga dokumentong dala ni Sevilla.

Bilang tugon, sinabi ni Pacman na bibitawan na niya ang pagbo-boksing sakaling manalo siya sa 2016 bilang Senador.

Nangako rin ang Pambansang Kamao na mas lalo pa niyang pagbubutihin niya ang trabaho bilang mambabatas.

TAGS: comelec, Pacquiao, Senate, comelec, Pacquiao, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.