School building na may 18 silid-aralan ipinagkaloob ng PAGCOR sa paaralan sa Butuan City

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 16, 2018 - 12:16 PM

Pinasinayaan ang kauna-unahang school building ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Butuan City.

Ang Florencio R. Sibayan Central Elementary School (FRSCES) sa nasabing lungsod ang naging unang recipient ng bagong classrooms mula sa PAGCOR.

Ang naturang paaralan ay matatagpuan sa Baan Kilometer 3, Butuan City.

Tatlong palapag ng gusali na mayroong 18 silid-aralan ang ipinagkaloob ng PAGCOR sa eskwelahan na inaasahang pakikinabangan ng 600 mga mag-aaral sa mula grades 2 hanggang 6.

Pinasalamatan naman Ma. Lilgaya Joyo, principal ng paaralan ang PAGCOR sa ipinatayong gusali.

Ayon kay Joyo matagal na rin silang nagtitiis sa 18 lang na silid-aralan para sa mahigit 800 nilang estudyante.

Pinagunahan ni PAGCOR VP for Corporate Social Responsibility Group Jimmy Bondoc ang turnover ceremony para sa nasabing school building.

TAGS: Butuan City, pagcor, School building, Butuan City, pagcor, School building

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.