P3M halaga ng shabu nasabat sa Cavite; 4 na suspek ang arestado

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 16, 2018 - 11:46 AM

Arestado ang apat na katao at nakumpiska sa kanila ang tinatayang aabot sa P3.3 million na halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa Cavite.

Sa ulat ng Calabarzon Regional Police Office, isinagawa ang buy-bust operation sa Dasmariñas City kung saan nadakip ang ma suspek na sina Jamila Alonto alyas “Gemma Jose,” at Lanie Garcia sa Barangay Datu Esmael.

Bago ang operasyon, may “informant” na lumapit sa Cavite police intelligence unit at isinumbong ang pagkakasangkot ng dalawa sa ilegal na operasyon.

Sa ginawang buy-bust nakabili ang nagpanggap na buyer ng 150 grams ng shabu mula sa dalawang suspek dahilan para agad silang arestuhin.

Nang sila ay kapkapan, may nakuha pang 300 gramo ng shabu sa kanila.

Sa Bacoor Cavite naman, arestado ang hinihinalang drug pusher na si Marvin Destajo sa Barangay Zapote V.

Nagpapatrulya ang mga opisyal ng barangay nang matyempuhan nila si Destajo. Nakuhanan siya ng isang sachet ng shabu.

Samantala, Lunes din ng madaling araw nang madakip sa bisa ng search warrant against ang drug suspect na si Julieta Tabor sa Cavite City.

Nakuha mula kay Tabor ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu.

TAGS: calabarzon, cavite, Radyo Inquirer, calabarzon, cavite, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.