Heavy rainfall warning nakataas sa Zambales at Bataan

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Zambales at Bataan.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 11:00 ng umaga, nagbabala ito ng pagbaha sa dalawang lalawigan.

Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa bayan ng Hagonoy at Paombong sa Bulacan; Lubao, Sasmuan, at Masantol sa Pampanga, Metro Manila at sa CALABARZON.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 2:00 ng hapon.

 

Read more...