Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa apat na lalawigan sa Luzon

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 16, 2018 - 09:38 AM

Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning sa Luzon dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulang nararanasan dulot ng Habagat.

Sa rainfall advisory na itinaas ng PAGASA alas 8:00 ng umaga, yellow warning level ang nakataas sa Nasugbu, Lian, at Tuy sa Batangas at sa mga lalawigan ng Cavite, Zambales, at Bataan.

Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nakaaapekto sa Metro Manila, bahagi ng Bulacan, Rizal, Laguna at northern Quezon.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga.

TAGS: heavy rainfall warning, Radyo Inquirer, weather, heavy rainfall warning, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.