Royal family isinapubliko ang ilang larawan sa binyag ni Prince Louis

AP Photo

Inilabas sa publiko ng Royal family ang ilang mga larawan sa katatapos lang na binyag ni Prince Louis.

Si Matt Holyoak, isa sa maituturing na leading portrait photographers sa mundo ang kinuha nina Prince William at Kate Middleton para magsilbing photographer sa okasyon.

Ang apat na larawan ay kuha sa Morning Room sa Clarence House na official London residence nina Prince Charles at Camilla.

Idinaos ang binyag sa Chapel Royal sa St. Jame’s Palace.

Sa unang larawan makikita sina Prince William at Kate at tatlo nilang anak kasama sina Prince Harry, Meghan Markle, Prince Charles at Camilla, Duchess of Cornwall at pamilya ni Kate na kinabibilangan nina Carole at Michael Middleton, James Middleton at si Pippa Middleton at kaniyang asawa.

Ang ikalawang larawan naman ay kinabibilangan lamang ng royal family members.

Read more...