Kahit sumadsad ang ekonomiya, Apple mananatili sa China

apple
Inquirer file photo

Binasag na ni Apple Chief-Executive-Officer Tim Cook ang kanyang katahimikan hingil sa mga balitang aalis na ng China ang kanyang kumpanya.

Sa isang media interview, sinabi ni Cook na mananatiling main hub ng Apple ang kanilang pagawaan sa Mainland China taliwas sa mga balitang naghahanap na siya ng malilipatang bansa.

Lumabas ang mga balitang iiwan na ng Apple ang China makaraang sumadsad sa 6.9% ang Gross Domestic Product ng nasabing bansa na siyang pinakamababa sa nakalipas na anim na taon.

Ipinakita rin ni Cook ang kanyang larawan sa Great Wall of China na may caption pa na “Happy to be back in China”.

Sa report ng Xinhua News Agency, sinasabing tumataas ang sales ng mga iPhone 6 at iPhone 6 plus sa China dahil sa mas pinalaking screen ng mga ito.

Umaasa rin si Cook na sa mga darating na panahon ay maungusan na ng iPhone ang sales ng mga Android phones sa nasabing bansa.

Noong isang linggo lang ay kinumpirma ng Apple na may ilang mga Chinese hackers ang nagtangkang maglagay ng malicious malware sa kanilang mga applications tulad ng WeChat pero kaagad naman itong nakontrol ng nasabing Tech company

Read more...