Pang. Duterte hindi makikialam sa no el scenario

By Chona Yu July 16, 2018 - 08:24 AM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pakikialaman ang isinisulong na no election scenario sa kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang mensahe ng pangulo sa mga lider ng kamara at senado na ayaw niyang ipagpaliban ang eleksyon para lamang bigyang-daan ang charter change.

Sinabi pa ni Roque, na nais ng pangulo na sundin ang isinasaad sa Saligang Batas gaya halimbawa ng pagdaraos ng midterm elections sa 2019.

Samantala, ang pulong nina Pangulong Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad sa Malaysia ay magaganap alas 3:00 ng hapon.

Ilan sa mga isyung tatalakyin ay patungkol sa seguridad at terorismo.

Tumanggi ang Malaysian Government na masaksihan ng delagado ng pangulo ang pagpupulong ng dalawang lider.

Dahil dito wala nang press briefing si Presidential Spokesperson Harry Roque at mauunang uuwi na ng bansa ngayong araw dahil siya mismo ay hindi pinayagan na makadalo sa pagpupulong.

 

TAGS: No El Scenario, Rodrigo Duterte, No El Scenario, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.