Apat na drug suspects arestado sa QC

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado sa ikinasang operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na lalaki sa naturang lungsod.

Isinagawa ang operasyon alas 2:20 ng madaling araw ng Lunes sa bahagi ng Barangay Doña Imelda, kung saan nadakip ang mga suspek na sina Roger Desor, 46 anyos; Miguel Sandico, 27 anyos; Dexter Dimzon, 32 anyos; at si John Rey Mendoza.

Ikinasa ang operasyon matapos makatangap ng ulat ang mga otoridad na ginagawang drug den ang bahay ni Dimzon sa #28 Palanza Dtreet sa nasabing Barangay.

Nang dumating sa bahay ang mga pulis ay naaktuhan nila ang mga suspek na nagpa-pot session.

Nakuha mula sa kanila ang tatlong maliliit na plastic sachet ng shabu dalawa pang unsealed na plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

 

Read more...