Maraming lansangan sa CAR sarado pa rin dahil sa landslides ayon sa DPWH

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 16, 2018 - 07:56 AM

Maraming lansangan ang nananatiling sarado sa mga lalawigan sa Cordillera Administrative Region.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways – CAR, ang Kennon Road ay sarado pa rin sa mga motorista na galing at patungo ng Baguio City.

Ito ay makaraang makapagtala muli ng dalawang panibagong insidente ng landslides sa naturang kalsada noong Sabado.

Ang mga magtutungo at galing ng Baguio ay pinapayuhang sa Marcos Highway na lamang muna dumaan o sa Naguilian Road.

Samantala sa Abra, sarado ang Abra-Ilocos Norte Road at ang Abra – Kalinga Road.

Sarado pa rin sa daloy ng traffic ang Acop-Kapangan-Kibungan-Bakun Road sa Benguet.

Gayundin ang Balbalan-Pinukpuk Road sa Kalinga.

Paatuloy ang clearing operations ng DPWH sa nabanggit na mga kalsada.

 

TAGS: CAR, DPWH, Landslides, road closures, CAR, DPWH, Landslides, road closures

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.