Hotel Transylvania 3 nanguna sa North American box office

Nanguna sa North American box office ang “Hotel Transylvania 3: Summer Vacation” matapos kumita ng $44.1 million sa ticket sales.

Tampok sa naturang animated fantasy comedy ang boses nina Adam Sandler at Selena Gomez.

Tinalo ng Hotel Transylvania ang “Ant-Man and the Wasp,” na noong nakaraang linggo ay na sa number 1 spot at ngayon ay nasa ikalawang pwesto na lamang at may kita na $28.8 million.

Ang nasa ikatlong pwesto naman ay ang “Skyscraper,” ni Dwayne “The Rock” Johnson na kumita ng $25.5 million.

Habang nasa 4th place ang “Incredibles 2,” na nasa $16.2 million ang kita sa ikaapat nitong linggo.

 

Read more...