Mga armas na dadalhin sana sa Mindanao naharang ng PCG

By Rhommel Balasbas July 16, 2018 - 06:58 AM

PCG Photo

Napigilan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang plano sanang pagpupuslit ng mga iligal na armas patungo sa Mindanao.

Sa inspeksyon na isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Coast Guard K9- Central Visayas at Coast Guard Sub-Station, nakumpiska ang 46 unit ng kalibre .45 na baril at mga magazines sa Samboan, Cebu.

Nakuha ang mga iligal na armas sa mga suspek na nakilalang sina Velina Cubol, 36 anyos, Flora Mae Cubol, 35 anyos at Maria Bella Manot 55 anyos na pawang mga residente ng Brgy. Suba, Danao City, Cebu.

Nai-turn over na sa PNP Samboan ang mga suspek at mga nakuhang armas.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 28 ng R.A 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation.

 

TAGS: coast guard, coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.