1 sundalo sa Basilan, nagwala, 6 napatay kabilang ang dalawang opisyal
(Update) Anim ang patay matapos na mag-amok ang isang sundalo sa loob mismo ng kanilang headquarters sa Upper Cabengbeng, Sumisip, Basilan, Huwebes (Oktubre 22) ng umaga.
Nag-amok sa hindi pa matukoy na dahilan ang isang Philippine Army Corporal at bigla na lamang pinagbabaril ang kaniyang mga kasamahan.Naganap ang insidente alas 8:45 ng umaga sa headquarters ng mga sundalo.
Kinilala ang mga nasawi sa insidente na sina 2Lt. Alvin Ebina, 1st Lt.Martin Puao, Staff Sgt. Jonathan Galicto, Cpl. Robert Jondayran, Private First Class Jessrell Galud at ang suspek na si Cpl. Tahiruddin Taha.
Ang mga naireport na sugatan ay sina 1Lt Pada K. Guingar;TSgt Jerry C. Cardoza; Sgt Anthony A. Bentoy; Pfc Elber C. Noble; Pfc Ruel M. Macalapay; Pfc Nelson C. Calambro; Pfc Junnel T. Cajote; Pfc Remie L. Espanoloa Jr. at isang Pastor Rolly Matson.
Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng problema sa pamilya ang dahilan ng pag-aamok ng nasabing sundalo.
Makaraang magbakasyon ng ilang araw ay nag-iba na raw ang pag-uugali ni Taha nang siya’y bumalik sa kanyang official duty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.