Heavy rainfall warning nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa bong Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 6:00 ng umaga, yellow warning level ang umiiral sa Metro Manila, Bataan, Cavite at Batangas.

Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang ang naka-aapekto sa Rizal at Laguna.

Habang ang Zambales, Bulacan, Pampanga at Quezon naman ay makararanas din ng light hanggang moderate na pag-ulan sa susunod na tatlong oras.

Muling maglalabas ng rainfall warning ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

 

Read more...