Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 500 kilometro Silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay ng Bagyong Henry ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.
Inaasahang babaybayin ng bagyo ang bisinidad ng Babuyan Group of Islands mamayang gabi.
Nakataas ang Signal no. 1 sa Batanes, hilagang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Group of Islands, hilagang bahagi ng Apayao, at hilagang bahagi ng Ilocos Norte.
Hinahatak ng bagyo ang Habagat na magpapaulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan, Western Visayas.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga mabababang lugar at mga kabundukan sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat din ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Inaasahang sa Miyerkules ng umaga, lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.