Heavy rainfall warning nakataas sa Bataan, Cavite at Batangas

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 16, 2018 - 05:13 AM

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite at Batangas.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 5:00 ng umaga, yellow warning level ang umiiral sa tatlong lalawigan.

Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang ang naka-aapekto sa Metro Manila, Rizal at Laguna.

Habang ang Zambales, Bulacan at Quezon naman ay makararanas din ng light hanggang moderate na pag-ulan sa susunod na tatlong oras.

Muling maglalabas ng rainfall warning ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

 

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, weather, yellow rainfall warning, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.