Senador Drilon: Kongreso ‘wag madaliin ang pag-amyenda sa Konstitusyon

By Justinne Punsalang July 16, 2018 - 12:57 AM

Pinaalalahanan ni Senador Franklin Drilon ang mga miyembro ng Kamara na huwag madaliin ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Drilon na ang pag-amyenda sa Philippine Constitution ay hindi kasing simple ng pagpapasa ng batas.

Ayon sa senador, kailangan ng malalimang pag-aaral at deliberasyon sa pagbabago ng Saligang Batas.

Paliwanag ni Drilon, malaki ang implikasyon at marami ang maaapektuhan nito, kabilang na ang mga susunod na henerasyon.

Aniya pa, dapat ay sundin ang proseso sa pag-amyenda sa Konstitusyon, kabilang ang pag-draft ng committee report at pagkakaroon ng debate.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala si Drilon sa kakaharapin ng mga mahihirap na rehiyon sakaling mailipat na sa pederalismo ang porma ng gobyerno ng bansa.

Aniya, tanging National Capital Region (NCR), Central Luzon, at Southern Tagalog lamang ang mga rehiyon sa bansa na makakaagapay at kakayaning tumayo sa kanilang sarili sa ilalim ng pederalismo.

Hindi rin pabor ang senador sa pagpapaliban ng eleksyon sa 2019 dahil mapapalawig nito ang panunungkulan ng mga nahalal sa posisyon noong 2016.

Paliwanag nito, walang probisyon sa ilalim ng kasalukuyang Saligang Batas na pumapayag sa pagpapaliban ng eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.