“Black Widow” movie kasado na; babaeng director napili para sa pelikula

Marvel/Disney

Napili na ang direktor para sa standalone movie na “Black Widow,” at ito ay sa katauhan ni Cate Shortland.

Sa ngayon ay hindi pa batid kung saan iikot ang kwento ng karakter ni Natasha Romanova o mas kilala sa tawag na Black Widow na gaganapan naman ni Scarlett Johansson.

Babae rin ang napili para sumulat ng script para sa “Black Widow” at ito ay si Jac Schaeffer.

Inaasahan na ipapalabas ang “Black Widow” sa 2020.

Si Shortland ang ikalawang babaeng direktor na kinuha ng Marvel Studios para magdirehe ng female-centered movie.

Una dito si Anna Boden na siyang direktor ng “Captain Marvel.”

Habang para sa DC Universe, si Patty Jenkins naman ang kinuha upang pagdirehe ng dalawang pelikula ng “Wonder Woman.”

Read more...