Pag-angkin sa Sabah, hindi tatalakayin ni Duterte sa pulong sa Malaysian PM ayon sa Malacañang

AP

Hindi tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakatakda niyang pulong kay Malaysian Prime Minister Mahathir bin Mohamad ang pag-akin ng Pilipinas sa Sabah na ngayo’y sakop ng Malaysia.

Ito ay ayon mismo sa mensahe ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga mamamahayag.

Matatandaang nasa Malaysia ngayon ang presidente para sa tatlong araw na ‘private trip’ kung saan pinanood niya ang laban ni Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse at nakatakda rin siyang magkaroonng bilateral meeting kay Mahathir.

Una nang nagkasama ang dalawa sa panonood ng laban ni Pacquiao.

Base sa kasaysayan, inaangkin ng Pilipinas ang Sabah batay sa titulo na isinuko ng Sultan ng Sulu sa gobyerno ng Pilipinas noong Setyembre 1962.

Inihain ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa United Nations ang pagmamay-ari sa teritoryo.

Gayunman, taong 1963, inilipat ng British Government nang walang permiso mula sa Sultan ng Sulu ang Sabah sa noo’y kabubuo lamang na Federation of Malaysia.

Read more...