Pangulong Duterte hindi makikialam sa planong pagkansela sa 2019 midterm elections

By Rhommel Balasbas July 16, 2018 - 03:47 AM

Iginiit ng Palasyo ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mungkahi na ipagpaliban ang 2019 elections para lamang maisakatuparan ang planong federalismo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, direktang sinabi sa kanya ng pangulo na hindi ito makikialam sa posibilidad ng no-election scenario sa 2019.

“Ang exact salita ni Presidente, ‘I will not have any hand in that.’ At ito po ay matapos kung tanungin na may posibleng ‘no-el’ at ang sabi niya, ‘I will not have any hand in that’,” ani Roque.

Ang mensahe anya ng pangulo sa lahat ng kaalyado sa Kamara at sa Senado ay ayaw nitong ipagpaliban ang eleksyon para lamang sa panukalang Charter Change.

“So ang mensahe po sa lahat ng kaalyado ni Presidente sa Kamara at sa mataas na kapulungan, talagang ayaw po ni Presidente na — ipagpaliban ang eleksiyon para lamang sa Charter change,” dadag pa ng kalihim.

Sinabi ni Roque na inaasahan naman ni Duterte na bago matapos ang termino nito ay maisasakatuparan na ang cha-cha para sa federalismo.

Matatandaang iminungkahi ni House Speaker Pantealeon Alvarez ang kanselasyon ng 2019 elections para makapaglaan ng sapat na panahon ang mga mambabatas sa pagamyenda sa Saligang Batas.

Gayunman, nanindigan ang Malacañang na tuloy ang nakatakdang halalan 2019 maliban na lamang kung maagang mararatipikahan ang isang bagong konstitusyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.