Bunsod ng tuloy-tuloy na may kalakasang pag-ulan, naglabas ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa tatlong lalawigan.
Sa rainfall advisory na inilabas kaninang alas-2:30 ng madaling araw, itinaas ang yellow warning sa Bataan, Cavite at Batangas.
Ibinabala ng weather bureau ang pagbaha sa mga mabababang lugar.
Samantala, makararanas ng mahina hanggang sa katamtaman na may paminsan-minsang may kalakasang mga pag-ulan ang mga lalawigan ng Rizal at Laguna na tatagal ng dalawa hanggang sa tatlong oras.
Sa susunod na tatlong oras ay makararanas rin ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Metro Manila, Zambales at Quezon.
Inabisuhan ang publiko at mga disaster risk reduction and management councils na bantayan ang lagay ng panahon at tumutok sa PAGASA para sa susunod na advisory na ilalabas mamayang alas-5 ng umaga.