Pumalo sa seven-year low ang bilang ng mga ipinapanganak na bata sa Singapore noong 2017, habang tumaas naman ang bilang ng mga namamatay sa bansa.
Sa Report on Registration of Births and Deaths 2017 na inilabas ng Immigration and Checkpoints Authority (ICA), naitala ang kabuuang 39,615 na mga ipinanganak na bata sa Singapore.
Ang naturang bilang ay 4% mas mababa sa 41,251 na bilang ng mga ipinanganak noong 2016.
Samantala, tumaas naman ng 4% ang bilang ng mga namatay sa Singapore noong nakaraang taon.
Sa datos ng ICA, 20,905 ang bilang ng mga namatay noong 2017, kumpara sa 20,017 noong 2016.
Ang pagtaas ng bilang ng mga nasasawi ay patuloy na tumataas simula pa noong 1998, kasunod ng pagdoble ng bilang ng mga may edad 65 pataas.
Ayon sa mga sociologists, ang pagbaba ng bilang ng mga ipinapanganak sa Singapore ay kasunod naman ng pagbaba ng fertility rate sa bansa.
Sa huling datos, 1.16 ang fertility rate na mas mababa sa 2.1 fertility rate na kailangan upang mapalitan ang populasyon.
Ayon kay Tan Ern Ser na isang sociologist, isa mga dahilan ng pagbaba ng mga ipinapanganak ay ang marami sa mga Singaporean ang nanantiling single o hindi kaya ay nag-aasawa sa mas matandang edad.
Isa ring dahilan aniya ang economic restructuring at mahal na pamumuhay, kaya naman ang mga mag-asawa ay nag-aalangang mag-anak dahil sa pag-aalala sa hinaharap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.