Carnapper patay sa engkwentro sa Bulacan

By Justinne Punsalang July 16, 2018 - 04:12 AM

Nauwi sa engkwentro ang ikinasang hot pursuit operations ng pulisya laban sa mga hinihinalang carnapper sa Barangay Mojon, Malolos, Bulacan.

Kinilala ang nasawing susoek na si Wagner Lopez, habang walang pagkakakilanlan ang kanyang kasamahan na nakatakas mula sa mga otoridad.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, gabi ng Linggo nang dumulog sa himpilan ng Calumpit Municipal Police si Nelson Manansala upang ireklamo ang pagnanakaw sa kanyang motorsiklo.

Ayon sa biktima, tinutukan siya ng baril ng suspek at wala na siyang nagawa kundi isuko ang kanyang motor.

Agad na nagkasa ng hot pursuit operation ang mga otoridad hanggang sa Malolos kung saan nang maabutan ang mga suspek ay agad na pinaputukan ng mga ito ang pulis.

Dahilan ito upang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga salarin sa carnapping, habang tumakas naman ang kasama nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.