Muling naiuwi ng koponan ng France sa kampeonato para sa FIFA World Cup.
Sa iskor na 4-2 ay tinalo ng France ang koponan ng Croatia.
Ito na ang ikalawang beses na nagwagi sa nasabing torneo ang France sa loob ng 20 taon; habang ito naman ang ikatlong beses na nakapasok sa finals ang France.
Para naman sa Croatia, ito ang kanilang unang beses na makapasok sa World Cup finals.
Sa pamamagitan ni Antoine Griezmann ay naitala ng France ang unang goal para sa laro sa kanilang ika-18 minuto.
10 minuto naman ang nakalipas nang makapagpasok si Ivan Perisic ng unang goal para sa Croatia, dahilan upang magtabla ang laban.
Ngunit dahil sa isang penalty shot ay nakaungos muli ang France at naitala ang iskor na 2-1, 38 minuto sa loob ng laro.
Naitala ng tapatan ng France at Croatia ang highest-scoring finals sa loob ng 60 taon matapos makapagpasok ng kabuuang anim na goals ng dalawang koponan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.