COA hinamon na isapubliko ang ulat sa mga nawawalang bigas

NFA
Inquirer file photo

Ibinunyag ng isang consumers group na sako-sakong bigas ang naglaho sa isang pribadong warehouse sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay BenCy Ellorin, tagapagsalita ng National Coalition for Filipino Consumers, nasa 3,000 sako ng imported na bigas ang nawala sa warehouse ng Harbour Center Port Terminal Inc. O HCPTI simula noong buwan ng Agosto.

Batay anya ito sa pahayag ng Vinafoods, Inc, rice supplier mula Vietnam na nagpasok umano sila sa Maynila ng mga kargamento sa pamamagitan ng MV Exelixis ng 506,000 sako ng bigas.

Gayunman, ayon kay Ellorin, 503,859 bags ng bigas lamang ang natanggap ng NFA at ito ay dokumentado.

Idinagdag pa nito na may kopya ng report ng pagkawala ng mga bigas ang Commission on Audit kaya’t hinihikayat nila ang ahensya na ilabas ito sa media.

Napag-alaman na umorder ang National Food Authority ng bigas mula sa Vietnam noong Abril para sa delivery sa mga buwan ng Mayo hanggang Agosto.

Read more...