Inatasan na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang lahat ng pulis sa Metro Manila na higpitan pa ang foot patrol.
Ito ay para hindi na maulit ang paglalagay ng tarpaulin na may malisyosong mensahe na “Welcome to the Philippines, province of China.”
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Eleazar na sa ngayon, patuloy na inaalam ng kanilang hanay kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng tarpualin at kung ano ang motibo.
Sinabi pa ni Eleazar na maaring ikunsiderang paglabag sa anti-littering law ang ginawa ng mga taong nasa likod ng tarpaulin dahil bawal ang pagpapakalat ng mga signages na may malisyosong mensahe sa mga pampublikong lugar.
Sinabi pa ni Eleazar na isang organized action at maaring ikunsiderang paglabag sa anti-littering law ang ginawa ng mga taong nasa likod ng tarpaulin dahil bawal ang pagpapakalat ng mga signage na may malisyosong mensahe sa mga pampublikong lugar.
Aminado si Eleazar na naging maluwag ang PNP sa polisiyang Freedom of Expression pero hindi ito dapat na gawing biro.
Sa ngayon, blanko pa ang NCRPO na matukoy ang mga taong nasa likod ng mga nagpakalat na tarpaulin.
Hinamon pa ni Eleazar ang mga taong nasa likod ng tarpaulin na kung totoong matapang ay lumutang na at akuin ang responsabilidad.