NCRPO, walang naitalang krimen sa kasagsagan ng Pacman-Matthysse fight

By Chona Yu July 15, 2018 - 02:16 PM

Inquirer file photo

Walang namomonitor ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na anumang krimen sa Metro Manila ngayong araw ng laban nina Pambansang kamao Manny Pacquiao at Lucas Matthysse para sa sa WBA Welterweight title sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar na maging ang mga kriminal ay nag-day off din at nag-abang sa laban ni Pacquiao.

Gayunman, sinabi ni Eleazar na nakaalerto ang kanilang hanay para masiguro na ligtas ang Metro Manila.

Ayon kay Eleazar, hindi naman maaring araw-araw na lumaban si Pacquiao para walang mangyaring krimen.

TAGS: Lucas Matthysse, manny pacquiao, NCRPO, WBA welterweight title, Lucas Matthysse, manny pacquiao, NCRPO, WBA welterweight title

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.