INC event sa Maynila, dinadagsa sa kabila ng pag-ulan

By Isa Avendaño-Umali July 15, 2018 - 01:37 PM

Sa kasagsagan ng pag-ulan, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao sa Quirino Grandstand sa Maynila para sa “Lingap Laban sa Kahirapan” ng Iglesia ni Cristo o INC.

Ayon sa National Capital Region Police Office o NCRPO, as of 9:00 AM ay nasa 20,000 katao na ang nagtungo sa naturang event ng INC.

Sa ngayon, wala pang naiuulat na untoward incident at nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa lugar.

Ang programa ay kaugnay sa 104th anniversary ng INC.

Mayroong libreng medical at dental services, hindi lamang para sa mga miyembro ng INC kundi bukas din ito sa publiko.

TAGS: "Lingap Laban sa Kahirapan", INC, "Lingap Laban sa Kahirapan", INC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.