PAO hirap matukoy ang identity ng mga labi ng MV Princess of the Stars victims

June 18, 2015 - 12:59 PM

MV princess anniv via erwin
Kuha ni Erwin Aguilon

Tatlong araw bago ang ika-7 taon na paggunita sa paglubog ng MV Princess of the Stars sa Sibuyan Island, Romblon ginunita ng mga kaanak ng mga nasawi ang trahedya sa pamamagitan ng isang misa na pinangunahan ni Father Robert Reyes sa tanggapan ng Public Attorney’s Office (PAO).

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, labing-dalawa pa lang ang kanilang natukoy ang pagkakakilanlan mula sa mahigit sa isang daan at apatnapu pang mga labi na nasa kostodiya ng tanggapan.

Sinabi nito na patuloy ang ginagawang pagtukoy ng PAO sa identity mga nasawi sa pamamagitan ni Dr. Erwin Erpe, forensic expert ng PAO upang maibalik sa kani-kanilang pamilya at mabigyan ng disenteng libing.

Aminado si Acosta na pahirapan ang identification process sa mga kalansay dahil sa kawalan ng post mortem documents para pagbabatayan ng mga eksperto.

Tinukoy din ni Acosta ang hindi pakikipagtulungan ni National Bureau of Investigation (NBI) forensic expert Dr. Renato Bautista para i-turnover ang mga data at ebidensya na isinumite ng mga kamag-anak upang maging basehan sa identification process.

Sa talaan, nasa 851 ang kabuuang bilang ng mga pasahero ng MV Princess of the Stars ng lumubog ito kung saan halos 30 lang ang nakaligtas.

Sa nabanggit na bilang, 300 pa lamang ang nakikilala habang mahigit sa 400 ang patuloy na nawawala at pinaniniwalaang nasa loob pa rin ng barko na nasa karagatang sakop ng San Fernando Sibuyan Island Romblon./ Erwin Aguilon 

TAGS: MV princess of the stars, PAO, Radyo Inquirer, MV princess of the stars, PAO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.