Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng umaga.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 115 kilometers South ng bayan ng Jose Abad Santos dakong 11:28 ng umaga.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 59 kilometers.
Matapos ang pagyanig, walang napaulat na nasirang ari-arian.
Wala rin inaasahang aftershocks ng Phivolcs bunsod nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.