Australia magbibigay ng P33Million sa mga nasalanta ni Lando

By Den Macaranas October 22, 2015 - 05:01 PM

Albert-del-Rosario-Julie-Bishop
Inquirer file photo

Nangako ng P33Million na tulong ang Australian Government para sa mga nasalanta ng bagyong Lando sa Luzon.

Sinabi ni Australian Foreign Minister Julie Bishop na kahanga-hanga ang katatagang ipinakikita ng mga Filipino kahit na sa gitna ng trahedya.

Binanggit ng nasabing opisyal na batid ng kanilang pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo kaya nakahanda silang makipag-tulungan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Bukod sa financial assistance, nangako naman si Australian Ambassador to the Philippines Bill Tweddell na magbibigay din ang kanilang pamahalaan ng mga dignity kits, bigas, high-energy biscuits at family kits.

Ang dignity kits ay naglalaman ng mga sanitary napkins, sabon, shampoo, siklay, nail cutter, tuwalya at underwears.

Ang family kits naman ay naglalaman ng mga sumusunod, floor mats, kumot, kulambo at tarpaulin na magagamit bilang temporary shelter para sa isang mag-anak na nawalan ng tirahan.

Bukod sa Australian government, nangako na rin ng tulong ang World Food Program at ang U.N Population Fund.

TAGS: Australia, Bagyo, Lando, UN, Australia, Bagyo, Lando, UN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.