Inako ng New People’s Army (NPA) ang pagkamatay ng isang hinihinalang military informer sa Plaridel, Quezon.
Ayon kay Cleo del Mundo, tagapagsalita ng NPA Apolonio Mendoza Command, inatake ng isang rebelde ang grupong kinabibilangan ni Roberto Orugo.
Batay sa ulat ng pulisya, sa ulo binaril ng hindi pa nakikilalang gunman ang 49-anyos na biktima kaya agad itong nasawi.
Aniya, si Orugo ang nagbibigay ng impormasyon sa tropa ng pamahalaan laban sa mga rebelde. Partikular na binanggit ni Del Mundo ang isinagawang pag-atake ng militar kontra NPA sa bayan ng Agdangan noong 2008.
Maliban dito, ipinagbigay-alam din ng biktima sa militar ang lokasyon ng mga tagong armas at tatlong miyembro ng rebeldeng grupo kapalit ng P150,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.